TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Apolinario Mabini, di kilala ng mga estudyante?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, September 30, 2015

Nabisto ang kababaan ng kalidad ng edukasyon sa bansa lalo na ang may kinalaman sa kasaysayan ng ating mga bayani. Kasunod na kumalat ang usapin sa social media na ipinagtataka ng ilang mga estudyante sa kolehiyo kung bakit daw sa buong pelikula ay laging nakaupo si Epi Quizon na gumanap bilang bayaning si Apolinario Mabini sa pelikulang “Heneral Luna”.

Mismo sa Facebook Account ng aktor may nagtanong kung bakit siya nakaupo at hindi man lang tumayo sa mga eksena.


Images courtesy of Facebook/Epy Quizon

Nakapanlulumong isipin na hindi na alam ng ilang mga estudyante ang tunay na kalagayan ni Mabini na isa itong lumpo.

Malinaw na itinuro naman sa lahat ng mga eskuwelahan ang kasaysayan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay upang makamtan ang ating kasarinlan.

Dahil sa pelikulang “Heneral Luna”, nabisto  na may mga estudyante ngayon na kulang ang kaalaman sa kasaysayan ng ating mga bayani.

Nalantad din na tila bagsak na ang kalidad sa edukasyon sa bansa samantalang ang kasaysayan ng bansa ay importanteng usapin para sa mga Pilipino.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments