Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.
Mga Positibong Epekto:
· Pag-unlad ng antas ng libangan
· Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan
· Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa
· Global Networking
· Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya
· Mas makakamura sa ibang paraan
Mga Negatibong Epekto:
· Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao
· Maaaring gamitin sa karahasan
· Nakakasira ng kalikasan
· Technicism – pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya
· Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring humantong sa mali-maling sitwasyon.
· Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access ay maaaring makasira o maka-apekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.[TeknolohistangPinoy]
