
Dinagsa partikular na ng mga kabataan ang orihinal na tahanan ng bayaning si Apolinario Mabini na matatagpuan sa loob ng Main Campus ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila.
Ito'y matapos maging kontrobersyal ang sinasabing kakulangan sa kaalaman ng maraming estudyante ukol sa nasabing bayani.
Ang bahay ay orihinal na pagmamay-ari ng mag-asawang Cecilio del Rosario at Maxima Castaneda-del Rosario, mga kamag-anak ni Mabini.
Noong 1988 unang nanirahan si Mabini sa nasabing tahanan.
Matapos na hulihin at ipatapon ng Colonial Government ng America sa Guam, nagbalik si Mabini sa bansa noong 1903 at nagdesisyong manirahan sa dating tahanan sa Pandacan kasama ng kanyang kapatid na lalaki.
Noong 2010, nagpalabas si dating pangulong Gloria Arroyo ng Proclamation No. 1992 na nagdedeklara sa PUP Main Campus bilang permanenteng lokasyon ng tahanan ni Mabini. Nagbunsod ito para tawaging Mabini Campus ang Main Campus ng PUP.
Nagsisilbi na ngayong Museo ang bahay ni Mabini kung saan makikita ang ilang larawan at mga kagamitan nito.